Showing posts with label daing ng OFW. Show all posts
Showing posts with label daing ng OFW. Show all posts

Wednesday, December 15, 2010

Kung alam nyo lang ang pagtitipid na ginagawa namin

Bakit ang mga tao sa Pinas, kadalasan ang mentalidad ay "abroad yan, madami yan pera"? Kung alam nyo lang ang hirap na ginagawa namin just to save money for our family.

Mabuti pa nga ang nasa Pilipinas e, pag nagpapadala kaminng OFW ng pera, nakakagala sila sa mall, nakakakain ng masasarap na pagkain, nakakabili ng mga gamit at kung ano ano pa na magpapasaya sa kanila. Ei kami dito sa abroad? Sardinas o noodles, solve na. Wala na happenings kasi pag pumunta ka sa party, inuman o galaan, another gastos na naman. Kaya ang ilang OFW, dito nalang sa bahay, nagtitiis para lang makatipid.

Ang ilan, di pa kontento, buwan buwan ka na nagpapadala, hihirit pa ng mamahaling pasalubong. Kaya si OFW, todo kayod, hanap ng part time o nananalangin na lagi nalang OT para may pambili ng luho ng pamilya. Haist, ganyang ang buhay OFW. Kaya sana pahalagahan nyo. Di kami mayaman, mahirap lang din kami. Ang kaibahan, sa abroad kami. Nakasakay ng eroplano at nakakasalamuha ang ibang lahi.. Pero ang buhay namin, ganun pa rin!


Kaya ang payo ko sa mga OFW, wag sanayin ang pamilya sa karangyaan habang nasa abroad ka. Matuto kang magtabi para may dukutin pagdating ng araw. Ipaalam din sa pamilya ang hirap na pinagdadaanan para di sila hihingi nang hihingi sayo. Nang minsan, makatanggap ka naman ng message na "Okay lang na wag ka na magpadala basta di ka pagod sa trabaho. Okay lang kami basta iniingatan mo ang sarili mo dahil malayo kami sayo at walang mag aalaga sayo pag nagkasakit ka. I love you" kesa sa kadalasan mo natatanggap na "kelan ka magpapadala? ba't ito lang ipinadala mo? ang dami natin gastos dito. May bibilhin kaming ganito, etc etc"..


Mabuhay ang OFW na matiisin at handang magtipid para sa pamilya. Ganyan tayo dahil mahal natin sila.

Monday, December 13, 2010

Mag aabroad ako para makaipon, di para mabaon sa utang..

Ito ang dialog ng mga gustong pumunta ng abroad sa tuwing natapat sila sa agency na naniningil ng placement fee. Ayun sa POEA, kung may placement fee man na sisingilin, dapat ay katumbas lang ng 1 month salary. Ang kaso, ang iba ang umaabot na sa ilang daang libo.

Ibigay nalang natin na halimbawa ang Canada at US. Sa Canada, maswerte ka na kung maglalabas ka ng 100thousand pesos bago ka magtrabaho doon. Kaso sa hirap ng buhay sa Pilipinas, saan ka kukuha ng ibabayad mo? Ito namang mga agency, may kinontratang lending companies na magpapautang kuno sa mga aplikante, makaalis lang. Hays. At ito namang si aplikante, desperado na kaya nangutang makaalis lang.

Mabuti nalang ang iba, may totoong job offer sa ibang bansa. Mababayaran nila ang utang na naiwan sa Pinas. Kaso ang ilan, minalas na. Baon na nga sa utang, naloko pa dahil wala palang totoong trabaho sa ibang bansa. Kaya si kawawang OFW, ito, kung anu-anong trabaho nalang ang papasukan para lang may maipadala sa lending company na nautangan sa Pinas. Haysssssss.. buhay OFW. Kala nyo madali?