Saturday, December 11, 2010

Boss nya ako sa Pinas, boss ko sya sa abroad

Bihira lang siguro mangyari ang ganito. Na ang dating tauhan mo sa Pinas ay naging tauhan ka sa abroad. Isa na siguro ako doon. Di ko naman sinasabing malas ako dahil ang unang dahilan kung bakit nasa abroad ako ay makatulong sa pamilya ko..

Nagsimula ang lahat nung nangailangan ng kasamahan sa abroad ang dati kong tauhan. May 2 taon na rin syang nagtatrabaho doon. Dahil nga sa kadikit ko sya noong nagtatrabaho sya ay hawak ko, sa akin sya humingi ng tulong. Dahil sa kagustuhan ko rin na makaipon, nagprisinta akong ako nalang ang umalis para magtrabaho sa abroad.

Noong una, maayos pa ang pagsasama namin. Sa katunayan, sa akin nya ipinagkatiwala ang pagkuha pa ng ilan pang makakasama ko sa trabaho. Subalit kinalaunan, sya ang pinagkatiwalaan ng may ari ng company na pinagtatrabahuan namin at kaming nanggaling sa Pinas ay magiging tauhan nya.

Hindi naman sumama ang loob ko dahil kung tutuusin, nasa abroad ako ngayon dahil sa kanya. Kaso tama ba namang minsan, ako'y pagmamalakihan nya? Minsan pa, kinausap ako ng boss namin at tinanong kung naiparating sa akin ng taong ito na ako'y magiging head na rin dahil nakita ng boss namin ang kakayahan ko sa trabaho?

Minsan talaga, di maiiwasan na magkaroon ng problema pero dapat ang mga Pilipino, dapat magtutulungan sa ibang bansa kahit ano pa ang posisyon nila diba? Ang crabmentality talag ng Pinoy, di nawawala..

-story told by a friend from Saudi Arabia

1 comment:

  1. Babylon Genesis | TITanium Art | TITanium Studio
    BABYLIS MINI TINY TILE titanium metal BABELIN. BABYLIS trekz titanium MINI TINY TILE TINY TILE TINY TILE titanium uses TINY TILE TINY TILE TINY TILE TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY everquest titanium TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY TINY everquest: titanium edition TINY TINY TINY TINY  Rating: 5 · ‎5 reviews

    ReplyDelete