Wednesday, December 15, 2010

Kung alam nyo lang ang pagtitipid na ginagawa namin

Bakit ang mga tao sa Pinas, kadalasan ang mentalidad ay "abroad yan, madami yan pera"? Kung alam nyo lang ang hirap na ginagawa namin just to save money for our family.

Mabuti pa nga ang nasa Pilipinas e, pag nagpapadala kaminng OFW ng pera, nakakagala sila sa mall, nakakakain ng masasarap na pagkain, nakakabili ng mga gamit at kung ano ano pa na magpapasaya sa kanila. Ei kami dito sa abroad? Sardinas o noodles, solve na. Wala na happenings kasi pag pumunta ka sa party, inuman o galaan, another gastos na naman. Kaya ang ilang OFW, dito nalang sa bahay, nagtitiis para lang makatipid.

Ang ilan, di pa kontento, buwan buwan ka na nagpapadala, hihirit pa ng mamahaling pasalubong. Kaya si OFW, todo kayod, hanap ng part time o nananalangin na lagi nalang OT para may pambili ng luho ng pamilya. Haist, ganyang ang buhay OFW. Kaya sana pahalagahan nyo. Di kami mayaman, mahirap lang din kami. Ang kaibahan, sa abroad kami. Nakasakay ng eroplano at nakakasalamuha ang ibang lahi.. Pero ang buhay namin, ganun pa rin!


Kaya ang payo ko sa mga OFW, wag sanayin ang pamilya sa karangyaan habang nasa abroad ka. Matuto kang magtabi para may dukutin pagdating ng araw. Ipaalam din sa pamilya ang hirap na pinagdadaanan para di sila hihingi nang hihingi sayo. Nang minsan, makatanggap ka naman ng message na "Okay lang na wag ka na magpadala basta di ka pagod sa trabaho. Okay lang kami basta iniingatan mo ang sarili mo dahil malayo kami sayo at walang mag aalaga sayo pag nagkasakit ka. I love you" kesa sa kadalasan mo natatanggap na "kelan ka magpapadala? ba't ito lang ipinadala mo? ang dami natin gastos dito. May bibilhin kaming ganito, etc etc"..


Mabuhay ang OFW na matiisin at handang magtipid para sa pamilya. Ganyan tayo dahil mahal natin sila.

No comments:

Post a Comment