Ito ang kadalasang sagot ng mga katulong o minsan ay tinatawag na domestic helper, atsay o mutsasa kapag sila'y minamaliit ng mga taong nakakakilala sa kanila.
Bakit ganun minsan ang mga Pilipino? Maganda lang ang naging trabaho sa abroad, di na nakikipagkaibigan sa mga katulong? Napakasakit minsan sa amin dahil minsan dahil mababa ang tingin nila sa amin. Minsan may nagtanong sa akin habang naglalakad ako, dito ka ba nakatira? Ang sagot ko naman, "Oo, dito ako nakatira. Dito kasi ang trabaho ko e". Pagkatapos ko syang sagutin, bigla sya umiwas. Dahil ba sa katulong lang ako?
Hay naku, ang ilan talaga, gumanda lang nang kaunti ang buhay, akala mo kung sino na umasta. Di nyo naman madala ang pera nyo sa hukay no! At least ako, katulong man pero marangal ang trabaho at di ko ito ikinahihiya. Mabuti pa ang kalooban ko. Ei kayo?
Ano po masasabi niyo sa article na ito? Ang sama ng ugali ng nagsulat ano?
ReplyDeletehttp://antipinoy.com/paano-naging-marangal-na-trabaho-ang-pagiging-tsimay/