Pagpasensyahan nyo na po ang title ng post kong ito. Napansin ko lang kasi na nagiging trend na ito sa ibang Pilipino na nagtatrabaho sa abroad.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit umaabot sa ganito ang sitwasyon? May asawa si kuya sa Pinas, meron din sa abroad. Ganun din si ate, may asawa sa Pinas, meron din sa abroad. Dahil nga ba sa tawag ng pangangailangan? o dahil sa lungkot na nadarama dahil sa malayo sa minamahal? o kaya naman, ang mga naiwan sa Pinas ay nagloloko din at gantihan lang? O maaaring, di na pinapahalagahan ng mga naiwan ang nangibang bansang nanay o tatay at kadalasan, "kelan ka magpapadala?" ang laging tinatanong kapag nag uusap sa telepono o sa chat?
Ano man ang dahilan ng pagkakabit ni Mister or ni Misis, dapat pa rin isipin ang magiging kinahinatnan nito lalo na sa mga taong maaapektuhan pagdating ng araw.
No comments:
Post a Comment