Monday, December 13, 2010

Mag aabroad ako para makaipon, di para mabaon sa utang..

Ito ang dialog ng mga gustong pumunta ng abroad sa tuwing natapat sila sa agency na naniningil ng placement fee. Ayun sa POEA, kung may placement fee man na sisingilin, dapat ay katumbas lang ng 1 month salary. Ang kaso, ang iba ang umaabot na sa ilang daang libo.

Ibigay nalang natin na halimbawa ang Canada at US. Sa Canada, maswerte ka na kung maglalabas ka ng 100thousand pesos bago ka magtrabaho doon. Kaso sa hirap ng buhay sa Pilipinas, saan ka kukuha ng ibabayad mo? Ito namang mga agency, may kinontratang lending companies na magpapautang kuno sa mga aplikante, makaalis lang. Hays. At ito namang si aplikante, desperado na kaya nangutang makaalis lang.

Mabuti nalang ang iba, may totoong job offer sa ibang bansa. Mababayaran nila ang utang na naiwan sa Pinas. Kaso ang ilan, minalas na. Baon na nga sa utang, naloko pa dahil wala palang totoong trabaho sa ibang bansa. Kaya si kawawang OFW, ito, kung anu-anong trabaho nalang ang papasukan para lang may maipadala sa lending company na nautangan sa Pinas. Haysssssss.. buhay OFW. Kala nyo madali?

No comments:

Post a Comment