Showing posts with label domestic helper. Show all posts
Showing posts with label domestic helper. Show all posts

Sunday, December 19, 2010

Online job offers abroad, totoo nga ba?

Marami sa ating mga kababayan na nasa Pilipinas ang gusto makarating ng ibang bansa nang sa gayon ay makatulong din sa kanilang pamilya. Sa laki ng placement fee sa ilang agencies sa Pilipinas, nakikipagsapalaran ang ilan sa online job offers.

 Isa na dito ang malapit sa akin na sinuwerte umano sa kanyang pag-apply sa ibang bansa sapagkat ni singko ay wala syang nilabas noon. Si Kelly, 22 palang sya noon nang syang mahire bilang tutor sa bansang kanyang napuntahan. Akala nya noon, isang biro lang ang tawag na kanyang natanggap na sya'y magpasa ng updated resume kung gusto nyang magtrabaho sa ibang bansa. Maliban sa udyok ng kanyang isipan na "ito na ang hinihintay mong opportunity. Marami ang gusto mag-abroad at di nabigyan ng pagkakataon, samantalang ikaw, lumalapit na, pakakawalan mo pa ba?", nais din nyang patunayan kung ang caller nga ba nya'y hindi manloloko. 

Pagkatapos ng dalawang linggo, si Kelly ay nasa NAIA na papuntang ibang bansa. Parang panaginip lang ang lahat sa bilis ng pangyayari. Dahil nga sa online job ito, alam nyang marami ang pwedeng tumuligsa sa kanyang desisyon kaya naman hindi nya ito sinabi sa kanyang mga mahal sa buhay hangga't di nya nasigurado na ito ay totoo nga. Pagkatapos nya humingi ng 3 signs mula sa Itaas, nabuo ang kanyang desisyon. Napakaswerte nya dahil ipinadala kaagad ang kanyang unang buwang sahod pati ang kanyang 2-way ticket.

Sa ngayon. sya'y 26 na. Nagtatrabaho na sya bilang caregiver sa Canada at ang taong tumulong din sa kanya ay nakilala din nya sa internet. Di ka ba naniniwala? Dapat maniwala ka dahil sya mismo ang may-ari ng blogs na ito. :)

Isa na siguro ako sa maswerteng OFW na di dumaan sa butas ng karayom para makarating ng ibang bansa. Ang ilan sa sekreto ko, maingat sa pakikipag usap sa kahit kanino at di agad agad nagtitiwala lalo na kapag may perang involve. Higit sa lahat, magtiwala sa nasa Itaas dahil hindi ka Nya pababayaan kapag ika'y humingi ng tulong sa kanya.

Friday, December 17, 2010

ako si Angel, isa akong bayarang OFW

Nakakalungkot isipin na sa hangad ng ilang Filipina na makapunta ng ibang bansa at makatulong sa pamilya, napadpad sila sa pagbebenta ng kanilang katawan. Marami ang nagagalit dahil kagagawan ng isa, nadadamay ang lahat..

Tulad sa bansang UAE. Maraming mga Pilipina ang nasadlak sa ganitong sitwasyon. maraming dahilan kung bakit sila napunta sa ganitong sitwasyon. Maaring ito'y naloko ng agency o kung sinumang kakilala na may naghihintay na trabaho sa bansang pupuntahan. Maaring ito ay ginawa dahil wala ng ibang paraan na kikita pa sya ng pera at kailangan nya ito para makasurvive sa bansa kung saan naroon sya. Maaaring, ito ay part time nya upang mas malaki ang maipapadala nya sa pamilyang naghihintay ng kanyang buwanang padala. Anuman ang kanilang dahilan, kailangan muna natin alamin ang kanilang sitwasyon bago sila husgahan.

Nakilala ko si Angel noong ako\y mapadpad sa isang bansa sa middle east. Sa unang pagkakakilala mo sa kanya, masasabi mong isa syang mabuting tao. Sya'y nakainuman ko at napalagayan ng loob. Noong malasing na sya, dito nya ako tinadtad ng mga tanong na syang gumuhit sa aking puso. "Masama ba akong babae?", "Masasabi mo ba akong pokpok?", "Kung ikaw sa kalagayan ko, ano gagawin mo?". Yan ang mga katagang namumutawi sa kanyang bibig. Dahil di ko sya direktang masagot sa kanyang katanungan, sya na mismo ang kusang nagkwento sa akin.

"May tatlo akong anak. Umalis ako ng Pilipinas dahil wala akong mahanap na maayos na trabaho doon at kung meron man, napakaliit ng sahod. Direct hire ako nang mapunta dito at inofferan ako ng 400$ bilang DH. Dahil wala akong gastos at malaking tulong na ang ganitong halaga para sa akin at sa pamilya ko, nangibang bansa ako. Nang makarating ako dito,minaltrato ako ng amo ko at muntik na ako gahasain kaya naman lumayas ako sa pinagtrabahuan kong iyon. Dahil nga sa direct hire ako, hawak ng amo ko ang passport ko at dahil dyan, wala akong mapasukang trabaho dahil unang hinihinging requirement ang passport. Ang mga kababayang nakilala ko ay ayaw din akong tulungan dahil ayaw nila madamay kapag hinanap na ako ng amo ko. Kaya napadpad ako sa ganitong sitwasyon kasi wala na akong alam na paraan para mabuhay pa. Hindi alam ng pamilya ko ang kalagayan ko dito dahil ayokong mag alala sila. Ang mga anak ko nalang ang iniisip ko sa tuwing ginagawa ko ito dahil para ito sa kinabukasan nila".

Halos madurog ang puso ko sa kwento nyang iyon. Di ko maisip kung paano ko sya bigyan ng tamang sagot sa tanong nya sa akin. Subalit hindi ko sya magawang husgahan sa kalagayan nya dahil nakikita ko sa mga mata nya na gusto na nya mabago ang kanyang buhay.

Kinamusta ko sya pagkaraan ng ilang buwan. Ayun sa kanya, wala na sya sa ganoong trabaho. May nakilala syang isang binata na nagmahal sa kanya nang totoo subalit sa kasamaang palad, napakaseloso ng lalaking kanyang kinakasama. Di nya umano matagalan ang ugali nito at gusto na nyang hiwalayan subalit sa tuwing pagtatangka nya, madalas syang tinatakot nito na ilalagay sa internet ang kanyang hubad na larawan at sex videos.

Tuesday, December 7, 2010

Ei ano ngayon kung katulong? Marangal naman!

Ito ang kadalasang sagot ng mga katulong o minsan ay tinatawag na domestic helper, atsay o mutsasa kapag sila'y minamaliit ng mga taong nakakakilala sa kanila.

Bakit ganun minsan ang mga Pilipino? Maganda lang ang naging trabaho sa abroad, di na nakikipagkaibigan sa mga katulong? Napakasakit minsan sa amin dahil minsan dahil mababa ang tingin nila sa amin. Minsan may nagtanong sa akin habang naglalakad ako, dito ka ba nakatira? Ang sagot ko naman, "Oo, dito ako nakatira. Dito kasi ang trabaho ko e". Pagkatapos ko syang sagutin, bigla sya umiwas. Dahil ba sa katulong lang ako? 

Hay naku, ang ilan talaga, gumanda lang nang kaunti ang buhay, akala mo kung sino na umasta. Di nyo naman madala ang pera nyo sa hukay no! At least ako, katulong man pero marangal ang trabaho at di ko ito ikinahihiya. Mabuti pa ang kalooban ko. Ei kayo?