Bilang OFW, napakahirap isipin kung ang perang pinaghihirapan ay mapupunta lamang sa wala..
May kakilala ako, kapitan ng barko for almost 20years, umuupa pa rin ng bahay at owner-type jeep lang ang naipundar. Meron naman ako kilala na wala pang 2 taon sa abroad, may naipatayo na apartment at ngayon at pinapakinabangan na..
Si kapitan, iniisip yata na habambuhay ay nasa abroad sya. Oo, wala akong pakialam sa perang ginagastos nila sa pang-araw araw dahil sa kanilang pinaghirapan yun pero naitanim ko sa isip ko na hinding hindi ko gagawin ang mga bagay na ginagawa nya at ng kanyang pamilya.. Naalala ko noon, sobrang sobrang pagkain ang nakahain sa mesa pero di naman nauubos at itinatapon na lamang. Madalas kasi nila akong bisita sa kanila noon dahil nainspire ko raw sila in a way. Ang celfon ng kaibigan ko noon ay laging unang labas ng nokia. Kapag may bago, binibili nila. Kahit ako noon, naambunan ng grasya. Bagong damit pag nagshopping sila, libreng gamit ng computer at halos dun ako kumakain tuwing uwian galing school. Gayunpaman, nang mapadalas ako sa kanila, naambunan ko sila ng kaunting kaalaman tungkol sa aking uncle na seaman ngumit mababang posisyon na maraming pinapaaral at may investments. Isa ako sa pinapaaral ng uncle ko noon.
Bago ako pumuntang abroad, nabalitaan kong nakakuha ng hulugang bahay ang asawa ni kapitan. Naisip ko, hmm, pwede naman nila icash.. Napag alaman ko na maliit ang 7000US$ ang sahod ng isang kapitan sa NYK. Di ako chismosa.. Sinabi ng sariling anak sa akin nang minsang nagkasarilinan kami at nag-usap ng kanya kanyang daing sa buhay.
Yung isang OFW naman na kilala ko, simple lamang ang sekreto ng nakabili ng apartment.. ipon ipon ipon at nang may sapat na ipon, bumili sya ng lupa at nagpagawa ng apartment para hindi na nya kailangan pang magpadala sa kanyang pamilya ng panggastos buwan buwan. Sana ganun lahat ng OFW,,marunong humawak ng pera kasi hindi naman pangmatagalan ang buhay sa abroad dahil marami ang pwedeng mangyari..
Ako naman, di magastos pero wala pa investment. May naiwan kasi kaming utang ng pamilya ko. Sa ngayon, buwan buwan ko ang pag uunti unti para naman may mabili na rin akong investment. Oops, meron na pala ako nabili.. isang set ng 24k gold na ayun sa Villarica pawnshop, nasa 45-60k pesos daw ang halaga..
Basta, masasabi ko lang, tayong OFW di pangmatagalan sa bansang pinagtatrabahuan natin. Maraming pangyayari ang di natin maiiwasan at sa isang iglap, maaaring mapauwi tayo sa Pilipinas. Kaya sana, meron tayong maitabi para man lang sa tag-ulan. At tandaan, wag lang ipon at ipon. Isipin mo rin ang sarili mo kasi ikaw ang nagkakandakuba sa pagtatrabaho, tumatanggap ng maaanghang na salita mula sa employer or supervisor mo at higit sa lahat, ikaw ang nagsasakripisyo para mapaganda ang buhay ng pamilyang naiwan sa Pilipinas.
Happy Sunday!